Pagkabulok ng partikulo

Ang Pagkabulok ng partikulo (Ingles: Particle decay) ang espontaneyosong proseso ng isang elementaryong partikulo na nagtratransporma (nagbabago) sa ibang mga elementaryong partikulo. Sa prosesong ito, ang elementaryong partikulo ay nagiging ibang partikulo na may mas maliit na masa at isang panggitnang partikulo gaya ng W boson sa pagkabulok ng muon. Ang panggitnang partikul ay nagbabago naman sa iba pang mga partikulo. Kung ang mga partikulong nalikha ay hindi matatag, ang proseso ng pagkabulok ay nagpapatuloy.

Ang particle decay ay maaari ring gamiting upang tukuyin ang pagkabulok ng mga hadron. Gayunpaman, ang terminong ito ay hindi karaniwang ginagamit upang ilarawan ang pagkabulok na radyoaktibo kung saan ang hindi matatag na atomikong nukleyus ay nagtatransporma sa mas magaang nukleyus na sinasamahan ng emisyon (paglabas) ng mga partikulo o radiasyon bagaman ang dalawang ito ay magkatulad sa konsepto.


Developed by StudentB